DAVAO CITY – Isang malaking karangalan sa lungod ng Mati sa Davao Oriental ang paglahok ng isang Matinian sa Revival Model Nations at Asian Parliamentary Debate na ginanap sa bansang Taiwan, kamakailan kung saan, siya ay idineklarang kampeon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Laviña Naive, 17 taong gulang, at residente ng Barangay Central, Mati City at kasalukuyang nag-aaral sa Davao Oriental Regional Science High School, labis siyang natuwa matapos niyang na-iuwi ang gintong medalya sa isang international debate na ginanap sa bansang Taiwan.
Ipinaliwanag nito, natalakay niya sa kompetisyon ang iba’t ibang modernong isyu, tulad ng mga isyu sa panlipunan, modern inequalities, Artificial Intelligence, at iba pa.
Ayon kay Laviña, humigit-kumulang 40 hanggang 50 indibidwal ang nakilahok sa event kung saan 8 bansa ang lumahok at siya lamang ang kinatawan mula sa Pilipinas.