-- Advertisements --
image 74

Binigyang pugay ng mga Senador ang Pinay nurse na si May Parsons na nagturok ng kauna-unahang COVID-19 vaccine dose na nakatanggap ng George Cross Award sa United Kingdom.

Sa Senate Resolution No. 230 na ini-sponsor ni Senator imee Marcos, sinabi nito na ang prestihiyosong Award mula sa yumaong Her Majesty Queen Elizabeth II at His Royal highness Prince Charles ay iginawad kay Parsons para sa kaniyang katapangan, dedikasyon at compassion sa pagharap sa panganib.

Sinabi din ng Senador na isang highlight sa pambihirang kasaysayan ng Filipino nursing ang nakamit na parangal ni May.

Ayon naman kay Senator Grace Poe ang Filipino nurses ay ang mga bayani ng health care system ng bansa bago pa man magkaroon ng pandemiya kung kayat deserve nila na makatanggap ng parangal gayundin ang mataas na benepisyo at sahod.

Ginawa ng Seandora ang naturang panawagan kasabay ng pagbibigay pugay sa Pinay Nurse sa hiwalay na resolution No.347.