Normal na umano ang galawan ngayon sa Korat,Thailand matapos mapatay ang isang sundalong nag-amok sa loob ng isang mall maliban sa Terminal 21 na hindi pa rin pinapasukan ng mga tao.
Ayon pa kay Richel Kanyawong, tubong Pasig at kasalukuyang naninirahan sa Thailand na matapos ang nangyari,parang nangangailangan silang magpacheck-up dahil sa trauma.
Dagdag pa ng 40 anyos na guro, pauwi na sana siya kasama ang kanyang 2 years old na anak at isa pang Pinay teacher at patungong terminal nang nakita nila ang mga tao sa 1st floor ng mall na nagtatakbuhan kaya napaatras sila.
Matapos makarinig ng mga putok, agad silang naghahanap ng matataguan at saktong-saktong bakante ang isang fitting room at doon sila pinapasok ng dalawang Thai national saka inilock ang pintuan.
Pinaalalahanan pa umano sila sa mga ito kung ano dapat gawin nung mga oras na yun.
Binalewala nalang umano nila ang pagkauhaw at pagkagutom sa loob ng apat na oras para lang masiguro ang kaligtasan dahil wala naman itong mga dalang pagkain.
Inaaliw nalang din nito ang kasamang batang anak para lang hindi ito magpanic at wala din naman itong nadalang laruan.
Samantala, nagbigay pa ito ng mensahe sa kanyang mga kaanak at kaibigan dito sa bansa.