-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umiiyak na nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia dahil sa pang-aabuso ng kanyang agency.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Kizzel May Balayo, 24, residente ng Banate, Iloilo, sinabi nito na dumating siya sa Jeddah noong Disyembre at sa loob ng isang buwan, makailang beses siyang pinagpasa-pasahan ng mga employers.

Ang malala pa anya ay inabuso siya sekswal at hindi pinapakaain ng kanyang agency nang humingi siya ng tulong dito.

Sa ngayon, si Balayo ay may bago na namang employer ngunit umaasa siya na matulungan upang mapauwi sa Pilipinas.