ILOILO CITY- Natanggap na ng first Pinay boxer na nag-qualify sa Tokyo 2020 Olympics na si Irish Magno ang cash incentive na binigay ng Iloilo Provincial Government.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Magno na tubong Janiuay, Iloilo, sinabi nito na malaking bagay ang natanggap na P300K cash upang maipaayos niya ang kanilang bahay.
Ayon kay Magno, malaki ang kanyang pasasalamat dahil kahit wala itong nakuhang medalya sa Olympiada, kinilala at itinuring paring tagumpay ang paglaro niya sa Olympics.
Sa ngayon, plano ni Magno na bumalik sa pag-eensayo para sa parating pa na mga kompetisyo na kanyang lalahukan.
Ayon pa sa kanya, hindi siya hihinto hanggat walang ginto sa Olympics kung kaya’t mas pag-iigihan iya ang kanyang training.
Humiling naman siya ng suporta para sa susunod niyang mga laban.