-- Advertisements --

May tsansa pang makasungkit ng gintong medalya si Pinay para swimmer Angel Otom.

Ito ay kahit na bigo ito sa women’s 50 meters backstroke -S5 final sa Paris Paralympics kung saan natapos ito sa pang-anim na puwesto.

Nanguna sa nasabing event si Lu Dong ng China habang kapwa Chinese din ang nakakuha ng silver at bronze medals na sina He Shenggao at Liu Yu.

Naging maganda ang simula ng 21-anyos na si Otom subalit hindi nagpatalo ang mga nakaharap nito sa nasabing torneo.

Babalik ito sa araw ng Biyernes para sa isa pang swimming event.