-- Advertisements --
Nagtala ng record si US-based Filipino pole-vaulter Natalie Uy.
Nangibabaw kasi ang Southeast Asian Games gold medalist at record-holder ng matagumpayan niya ang taas na 4.30 meters.
Tinalo nito ang mga kalahok gaya ni US Olympian Sandi Morris.
Sa unang attempt sa 4.30 meters ay sumablay ito matapos matamaan ang bar at nagtagumpay na ito sa ikalawang attempt.
Matapos kasi ang tagumpay nito sa SEA Games noong nakaraang taon ay bumalik na ito sa Dayton, Ohio para makasama ang pamilya.
Ang Acadia Invitational ay siyang unang USA Track & Field sanctioned meet mula ng ipinagpaliban ang 2020 Tokyo Olympics.