-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Inspirasyon ng Pinay Powerlifting World Champion na si Veronica Ompod si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz sa kanyang naging panalo sa katatapos lamang na 2021 World Classic Powerlifting Championships na isinagawa sa Halmstad, Sweden.

Ayon kay Ompod, bata pa lamang siya nang magsimulang mag-training sa nasabing sport, na noong una ay hindi niya rin niya hilig.

Pero upang makapag-aral at magkaroon ng scholarship ay nagpatuloy siya sa pag-eensayo hanggang sa maging World Champion.

Nagpasalamat naman ang nasabing powerlifter na tubong Matag-ob, Leyte sa kanyang mga taga-suporta sa buong bansa.

Nabatid na hinirang bilang bagong 43kg Junior World Champion si Ompod matapos manalo ng apat na gintong medalya sa nasabing kompetisyon.

Samantala, maliban lamang kay Ompod, ay isa ring Pinay powerlifter mula sa Matag-ob, Leyte na si Jane Erasmo ang nanalo ng apat na bronze medal sa 47kg women’s sub-junior event.