-- Advertisements --

Nabigo si Joanie Delgaco na makapasok sa diretsahang puwesto sa quarterfinals ng rowing event.

Pero nagpatuloy ang kanyang pag-asa matapos masiguro ang pangalawang pagkakataon sa pamamagitan ng repechage round sa women’s single sculls ng 2024 Paris Olympics sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.

Ang Filipina rower ay nagtala ng pitong minuto at 56.26 segundo upang magtapos na ika-apat sa anim na miyembro ng kompetisyon.

Tanging ang tatlong nangungunang kalahok mula sa bawat heat ang magpapatuloy sa quarterfinals habang ang iba pang mga kalahok ay kailangang makipaglaban pa rin sa repechage stage.