Kinumpirma ngayon ng Labor department na isang 28-anyos na Pinay household service worker sa Dubai ang namatay dahil sa coronavirus.
Ito ang iniulat ngayon ni Labor Sec. Silvestre Bello III matapos makarating ang impormasyon sa kanya mula sa Labor Attache ng Pilipinas sa Dubai.
Ayon kay Bello nakumpirma na coronavirus ang ikinamatay nito noong Pebrero 2.
Pero agad nitong nilinaw na hindi pa alam kung anong uri ng strain ng coronavirus ang tumama sa biktima na tubong General Santos City.
Ayon sa mga eksperto iba’t iba ang uri ng coronavirus tulad ng
Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Iniulat naman ng United Arab Emirates Ministry of Health na ang OFW ay namatay noong Feb. 5 sa Dubai hospital.
Nakasaad daw cause of death nito ang sakit na pneumonia at acute respiratory disease syndrome.
Habang ang umano’y “immediate cause of death” naman ay cardiac arrest.
Ang nasabing Pinay na 28 taon nang nagtatrabaho doon.
Nakatakda namang i-cremate ang labi nito bago iuwi pabalik ng Pilipinas.
Magbibigay naman daw ang gobyerno ng tulong sa kapatid at anak ng nasabing Pinay para makapunta sa Dubai.