-- Advertisements --
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamilya ng Pinay worker sa Dubai na namatay dahil sa Wuhan coronavirus.
Ito ang kauna-unahang Filipino na nasawi dahil sa nasabing sakit.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, isang 58-anyos na Pinay household service worker ang nasabing biktima at naninirahan dati sa General Santos City.
Mismong ang ating labor attache sa Dubai umano ang nag-relay sa kanila ng impormasyon ngayong araw lamang.
Ayon sa kalihim, nakumpirma na coronavirus ang ikinamatay nito noong Pebrero 2, 2020.
Ang bangkay ng nasabing Pinay ay iki-cremate bago iuwi dito sa Pilipinas.
Magbibigay naman daw ang gobyerno ng tulong sa kapatid at anak ng nasabing manggagawa para makapunta sa Dubai.