KORONADAL CITY- Hindi matanggap ng pamilya ng isang OFW na namatay matapos na masagasaan ng isang sasakyan sa Dubai Hills, UAE.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ms. Annie Pineda, OFW Focal Person ng Provincial Government ng North, Cotabato.
Kinilala ang nasawing OFW na si Gina Sorianosos, 48 years old, isang Domestic Helper at residente ng Pulang Lupa, M’lang, Cotabato.
Ayon kay Pineda, nasagasaan si Sorianosos sa Dubai Hills, Dubai habang tumatawid ito sa isang pedistrian lane.
Duda naman ang pamilya na may foul play sa pangyayari kaya’t hiling ang mas malalim na imbestigasyon.
Samantala , inihayag naman ng Provincial Government na agad na nakipag-ugnayan ang pamilya ni Gina sa kanilang tanggapan, sa OWWA at sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa para sa pagpauwi sa mga labi ng OFW.
Natuklasan din na isa palang un-documented OFW ang biktima dahil tourist visa ang bitbit nito sa pagpunta sa Dubai matapos ang kanyang kontrata at umuwi sa bansa.
Una na ring inihayag ni Ms. Marilou Sumalinog, Regional Director ng OWWA 12 na kanila na ng nabigyan ng paunang tulong ang pamilya ng OFW na nagkakahalaga ng 50,000 pesos.
Sa ngayon, inihahanda na ang papeles at mga dokumento na kailangang dalhin sa Dubai ng pamilyang representative sa pagpunta sa nasabing lugar para agad na makuha at maiuwi ang bankay ni Gina Sorianosos.