-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-aalala ngayon ang mga Pinay sa Adana province sa Turkey matapos na hindi na nila ma-contact pa ang kababayan na tatlong taon ng nagtatrabaho sa Hatay province, isa sa mga lugar na malubhang natamaan ng 7.8 magnitude na lindol.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Jonalyn Caramat direkta mula sa Mersin sa Adana Province ng Turkey, ginawa na nila ang lahat ng mga paraan ma-contact lang ang Pinay na taga-Benguet province pati na sa kanyang personal smart phone at sa kanilang group chat ngunit bigo sila hanggang sa ngayon.

Mas kinabahan umano sila dahil pati ang mga amo nito ay di rin nila ma-contact.

Ang kanila na lamang iniisip sa ngayon ay posibleng nawalan lang ng kuryente ang lugar na kinaroroonan nito sabay panalangin na sana’y nasa mabuti itong kalagayan.