-- Advertisements --

Aminado ang Pinay translator at assistant stage director na hindi nito pinalampas ang pagkakataon na subukan ang pag-arte sa big screen.

Pahayag ito ni Noreen Joyce Guerra na gumanap bilang isa sa mga estudyante ng Hyosan High School sa “All Of Us Are Dead.”

Nagsapubliko rin siya ng mga larawan ng ilang eksena ng kanyang ginampanang papel sa naturang bagong zombie series.

Sa isang panayam, inihayag ng Pinay na si Noreen na sinabihan siya ng mga producer at direktor kung gusto niya sumalang “on-cam” dahil lagi na lamang siya off-cam o yaong nagtatrabaho sa likod ng camera.

Dito na raw niya sinimulang isumite ang kanyang profile sa ilang Korean agencies, bagama’t nagtatrabaho bilang part time sa mga movie production sa Korea.

Pwede raw ako mag-on-cam kasi maliit daw ‘yung mukha ko. I tried to submit my profile sa Korean agencies naman that handle Korean talents,” kuwento nito. “So ayun, doon ako nakuha, actually. Kaya ‘yun ‘yung reason kung baklit ‘yung mga role ko sa dramas is Korean.”

Kabilang pa sa kinatampukan nitong K-dramas ay ang “Record of Youth,” “Hospital Playlist,” “The Blessing of the Sea,” “The Encounter,” at iba pa.

Taong 2015 nang magtungo sa South Korea si Noreen bilang international student ng Master of Business Administration sa Sookmyung Women’s University.