-- Advertisements --

Proud na ibinahagi ng 30-year-old Filipina singer na si Noimie Steikunas ang kaniyang experience matapos itong makapasok sa bagong season ng The Voice Lithuania.

Inawit ng Pinay ang kaniyang version ng “Like I’m Gonna Lose You” ni Meghan Trainor at dalawang coaches nga ang napaikot sa kaniyang blind audition.

Samantala, ang singer ay isa sa mga Bombo International Correspondent ng Star FM sa bansang Lithuania kaya naman masaya ito na makapanayam muli ng himpilan, ngayon naman patungkol sa kaniyang music achievement.

Sa exclusive interview nga ng Star FM Baguio kay Noimie, ikinuwento nitong walang siyang professional experience sa pagkanta at nagtatanghal lang ito sa mga school intermissions at sa church choir noon.

“Nag audition ako kasi parang it’s something that scares me. Dapat i-pursue mo yun kasi doon ka maggo-grow.”

May shoutout naman ito sa kaniyang mga kababayan sa Pilipinas.

“Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana ay patuloy niyo po akong suportahan sa journey ko sa The Voice Lithuania. Hopefully, maka-proceed ako sa next rounds. Let’s all pray for that.”

Si Noimie ay mula Cebu at apat na taon ng naninirahan sa Lithunia kasama ang kaniyang Lithunian husband at mga anak.