BACOLOD CITY- Piniling ipagpatuloy ni former finalist ng X-Factor UK at Pinay singing sensation na si Alisah Bonaobra ang singing career sa Pilipinas sa kabila ng opportunities sa international music industry kahit pa may mga problema din siyang kanakaharap ngayon dulot ng Covid-19.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Bonaobra, na realize niyang napaka importante ng bawat oras na kasama ang pamilya noong pumanaw ang kanyang lolo nito lamang June 06 ngunit hindi siya maka uwi ng Dumaguete City para sa huling pamamaalam dito.
” Emotionally talaga na hindi mo alam kung paano, parang helpless ka dahil iba’t-ibang lugar eh may kanya-kanyang protocols. Then yon nga po sa m ga flights na cancelled tapos ang hirap mag isip pero yon, talagang kailangan kasi e value mo yong every moment of your life lalo na kapag kasama mo pa ang mga taong mahal mo.” pahayag ni Bonaobra sa Star FM Bacolod.
Si Bonaobra ay naglabas ng kanyang bagong kanta na ”Ginto ang sandali” bilang pagpapaalala sa lahat na huwag sayangin ang bawat oras at huwag e take for granted ang mga taong mahalaga sa buhay lalo na sa panahon din ngayon ng Covid-19 Pandemic ay kailangan ng suporta ng bawat isa.