All set na si Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa kanyang pagsabak sa World Skates/Street League Skateboarding World Championships na mag-uumpisa na sa Sao Paulo, Brazil bukas.
Ayon kay Didal, umaasa itong makakakuha ito ng qualifying points para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Kumpiyansa rin ang 20-year-old Cebuana na magagamit niya ang kanyang partisipasyon sa kompetisyon bilang paghahanda sa pagsabak naman nito sa 30th Southeast Asian Games.
Sa huling pagsabak ni Didal sa naturang kompetisyon sa Los Angeles, nagtapos lamang ito sa ikalimang puwesto.
Kaya naman pursigido si Didal na makadagit ng medalya upang lumaki ang kanyang tsansa na makatipon ng Olympic qualifying points.
Maliban kay Didal, lalahok din sa nasabing paligsahan ang Fil-German na si Daniel Ledermann na siyang national men’s champion.