Lumakas pa ang tsansa na makapasok sa 2020 Tokyo Olympics ni Filipina skateboarding champion Margielyn Didal matapos na nagtapos ito ng pang-limang puwesto sa 2019 Street League Skateboarding World Tour na ginanap sa Los Angeles.
Nakakuha ito ng kabuuang 21.2 points na sumunod sa dating world champion Letecia Bufoni ng Brazil na nagtala ng 21 points.
Nagwagi naman sa kumpetisyon ang 11-anyos na si Rayssa Leal ng Brazil na mayroong kabuuang 23.3 points.
Itinuturing na ito na ang pinakamataas na puntos na nakuha ng isang Filipino sa nasabing prestisyosong torneo.
Labis na pasalamat ni Didal dahil sa kakaibang achievement ito sa kaniyang career.
Nakilala si Didal sa pagkakakuha ng gold medal sa 2018 Asian Games at sumali na rin sa X Games Minneapolis 2018.