-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa sa 27 biktima ang isang Pilipina sa nangyaring multiple-vehicle collision sa Kazakhstan.

Dalawa ang nasawi sa nasabing aksidente kung saan sangkot ang tatlong bus, dalawang kotse at ambulansya.

Kinilala ng mga otoridad ang Pilipinang biktima na si Jennifer Francisco Lavapiez. Kaagad din namang ini-report ang kaloagayan nito sa Philippine Embassy sa Russia.

Hanggang ngayon ay mino-monitor pa ang sitwasyon nito mula sa mga contacts ng DFA sa Kazakhstan.

Handa rin umanong magbigay tulong ang bus company sa mga biktima ng aksidente.

Sa ngayon ay stable na ang kondisyon ni Lavapiez matapos itong dalhin sa isang ospital sa Astana. Sinigurado naman ng Embassy na patuloy itong tinutulungan ng kanyang employer.