-- Advertisements --

Abanse na sa semifinals ng women’s 100 meter freestyle si Pinay swimmer Kayla Sanchez.

Mayroong kabuuang 53.67 seconds sa Heat 4 ang nakuha ni Sanchez at nakasali na ito sa Top 16 na abanse sa susunod na round.

Ito rin ang bagong national record na kaniyang nabasag.

Nagtapos ito ng pang-10 puwesto tabla ni Anna Hopkin ng Great Britain.

Nanguna naman sa nasabing kategory si Sarah Sjoestroem ng Sweden na may oras na 52.99 seconds.

Itinuturing ni Sanchez na ito na ang pinakamabilis niyang oras na naitala noong 2022.

Gaganapin ang semifinals sa Hulyo 31 dakong alas 3:33 ng umaga oras sa Pilipinas.

Tiyak ni Sanchez na gagawin niya ang lahat ng makakaya para maipagmalaki siya ng bansa.