Nagkamit ng gintong medalya at bagong record ang sa swimming ang pambato ng bansa sa Southeast Asian Games na si Xiandi Chua.
Nakuha ni Chua ang nasabing record sa womens’ 200-meter backstroke k ung saan natapos nito sa loob ng dalawang minuto at 13. 20 segundo.
Pumangalawa naman si Chloe Isleta na mayroong 2:16.19 ng Pilipinas sa event na ginanap sa Morodok Aquatic Center.
Nasa pangatlong puwesto naman si Fonpray Yamsuan ng Thailand na mayroong 2:17.95.
Nabasag ni Chua ang record na hawak ni Nguyen Thi Anh Vien ng Vietnam na mayroong 2:13.64 na nakamit noong 2017 SEA Games sa Malaysia.
Ito rin ang unang gintong medalya na nakuha ng Pilipinas sa swimming kung saan silver medal din ang nakuha ni Isleta sa SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon.
Nagkamit rin ng silver medal si Jasmine Alkhadi sa 100m freestyle womens.