-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isang Pinay teacher ang napili bilang isa sa limang teacher of the year awardees sa US Virgin Islands.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Teacher Christina Marie Senosa, Social Studies teacher sa isang high school sa US Virgin Islands na ang awarding na ito ay napakahalaga sa Amerika dahil binibigyan lamang ng pagkilala ang mga guro na karapat-dapat na tumanggap.

May mga criteria aniyang sinusunod dito kabilang na ang community involvement, performance sa loob ng classroom, technology integration, magandang relasyon sa kanilang mga kasamahan at extra curricular activities.

Masayang-masaya siya dahil mula sa 13 elementary schools, dalawang high schools at dalawang middle schools ay kabilang siya sa limang napili.

Gaganapin aniya ang awarding sa November 10, 2020 sa pamamagitan ng virtual.

Pagkatapos ng awarding na ito ay pipili naman ng state teacher of the year at magkakaroon ulit ng ibang evalution.

Ayon kay Teacher Senosa, hindi niya inasahan na makakakuha siya ng ganitong award nang magtungo siya sa US.

Iniaalay naman niya ang nakamit na award sa kanyang pamilya na isa sa kanyang pinaghuhugutan ng lakas.

Kabilang pa sa kanyang mga nakuhang award noong nasa Pilipinas pa lamang siya ay ang pagiging outstanding teacher noong 2010, most functional bulletin board at most interactive class habang noong nasa Qatar siya ay nakuha rin niya ang pagiging outstanding teacher noong 2015.

Aniya, nakakamit ang mga ganitong pagkilala kapag may dedikasyon sa trabaho ang isang tao.