Bakas ang kaligayahan ng naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Eco Teen International 2020 kung saan siya ay tagumpay na masungkit ang title at korona.
Ito’y kasabay ng pagbabalik sa bansa ni Roberta Ann “Ro-An” Tamondong, mula sa Egypt kung saan ginanap ang coronation nitong Linggo ng madaling araw (Manila time).
Suot ng Pinay teen beauty pageant title holder sa kanyang pag-uwi ang Filipino flag inspired suit na gawa aniya sa Aklan.
Una nang napabalik-tanaw si Ro-An noong tawagan siya ng Miss World Philippines na tila ba pahabol na regalo sa kanyang 18th birthday.
Hindi naging hadlang ang maiksi lang na naging preparasyon nito kung saan humakot siya ng special awards sa pre pageant pa lamang, at sa mismong coronation na Best National Costume.
Para sa high school student na tubong Laguna, ligtas naman ang kanyang pakiramdam doon sa Egypt sa kabila ng pandemya dahil kaunti lamang ang kaso ng deadly coronavirus sa naturang bansa.
Sa tala ng World Health Organization, Enero hanggang December 6, halos 120,000 ang confirmed cases ng COVID sa Ehipto at halos 7,000 na ang nasawi.
Noong nakaraang taon ay nagtapos sa Top 5 ang bansa sa Miss Eco Teen pageant na sentro ang advocay sa eco-tourism at environmental awareness.