-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng French Open junior girls doubles si Filipina tennis player Alex Eala at Oksana Selekhmeteva ng Russia.

Tinalo kasi nila ang magkasamang sina Petra Marcinko ng Croatia at Natalia Szabanin ng Hungary sa score na 7-6(7), 7-6(5).

Hawak ng dalawa ang kalamangan sa unang set 5-2 ng magkaroon sila ng double fault kaya nakahabol ang kanilang nakalaban.

Naging dikitan ang labanan hanggang tuluyang nakapasok ang mga tira ng Pinay tennis player at ang kasama nitong Russian.

Susunod na makakaharap ng 16-anyos na si Eala at 18-anyos na si Selekhmeteva sina Eleonora Alvis at Lisa Pigato.