-- Advertisements --

Nabigo sa unang round ng W25 Manacor si Filipino tennis player Alex Eala.

Hindi kasi ito pinaporma ni number 5 seed Giulia Gatto-Monticone sa score 6-2, 6-1.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng 34-anyos na Italian tennis player.

Ito na ang ikatlo at final leg ng W25 Manacor ng International Tennis Federation (ITF) Women’s World Tennis Tour na mayroong $25,000 na premyo.

Sa unang leg ng W25 Manacor ay nabigo si Eala na makapasok sa main draw at hindi rin nagtagumpay sa 3rd and final qualifying round bilang number 11 seed.

Hindi naman nakasali si Eala sa second leg dahil sa ito ay nagkasakit.

Magugunitang noong 2021 ay kabilang si Eala s 15 mga recipients ng ITF Junior Player Grants Programme.