-- Advertisements --

Nabigo si Filipino tennis player Alex Eala na makapasok sa main draw slot W25 Manacor tournament.

Tinalo kasi siya ni Alice Rame ng France sa score na 6-2, 6-4 sa torneo na ginanap sa Spain.

Umarangkada agad ang 24-anyos na si Rame na nakakuha ng 2-0 sa opening set laban sa 16-anyos na si Eala.

Nagkamit ng double fault pa si Eala kaya nakuha ni Rame ang kalamangan 3-2 hanggang magpalitan sila ng puntos.

Magugunitang tinalo ni Eala si Ella Hojinik ng Slovenia an sinundan si Mia Chudejova ng Slovakia.