-- Advertisements --

Pasok na sa susunod na round ng US Open girls’ tournament ang pambato ng bansa na si Alex Eala.

Ito ay matapos talunin sa opening round si Charlotte Owensby ng US sa score na 6-3, 6-3.

Sa unang set ay kontrolado ng US tennis player hanggang makuha ni Eala ang momentum ng laro.

Sinamantala ni Eala ang maraming mga pagkakamali ni Owensby hanggang tuluyang makuha nito ang panalo.

Susunod na makakaharap ng 16-anyos na si Eala si Michaela Laki ng Greece para sa Round of 16.