-- Advertisements --

Naging matagumpay ang unang pagsabak sa Wimbledon ni Filipino tennis ace na si Alex Eala sa girls’ singles first round match.

Tinalo kasi ng 16-anyos na si Eala ang 17-anyos na si Solana Sierra ng Argentina sa score 6-2, 6-4.

Sa unang round ay hawak na ng number 2 seed at juniors number 3 ang kalamangan hanggang sa tuluyang mailayo at maipanalo nito ang laro.

Noong nakaraang linggo ay unang sumabak si Eala sa Junior International Roehampton kung saan nagtapos sa draw sa ang singles at doubles.

Susunod na makakaharap nito sa second round ang 17-anyos na si Anne Mintegi Del Olmo ng Spain.