-- Advertisements --
Nakuha ng Filipina tennis player Alex Eala at Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia ang kampeonato ng Australian Open junior doubles.
Tinalo ng dalawa ang European tandem na sina Ziva Falkner ng Solvenia at Matilda Mutavdzic ng Britain sa score na 6-1 at 6-2 sa finals.
Si Eala na ranked number 9 sa buong mundo ay unang Filipina na nanalo sa juniors grand slam.
Sinundan nito si Francis Casey Alcantara sa Australian Open boys doubles noong 2009 kasama si Hsieh Cheng-peng ng Chinese Taipei.