-- Advertisements --

Pasok na sa second round ng W60 Grenoble tournament si Pinay tennis player Alex Eala.

Ito ay matapos talunin si Joanne Zuger ng Switzerland 6-4, 6-1.

Ranked 587 si Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) habang ang 21-anyos na si Zuger ay WTA number 264.

Sa simula ng set ay hawak ni Eala ang kalamangan hanggang nakabawi ng bahagya si Zuger.

Umabot sa 1 hour at 9 minutes ang nasabing laro.

Susunod na makakaharap nito si Number 4 seed Chloe Paquet ng France.