-- Advertisements --
Itinuturing ni Pinay tennis ace Alex Eala na isang katuparan ng kaniyang pangarap ang makaabot sa quarterfinals ng Miami Open.
Sinabi nito na hindi niya lubos akalain na umabot sa nasabing round at makaharap din ang ranked world number 2 na si Iga Swiatek ng Poland.
Nakapasok ang WTA number 140 na si Eala matapos ang pag-atras ni Paula Badosa ng Spain dahil sa injury.
Dahil dito ay garantisado na ang premyo nito na katumbas ng mahigit na P10 milyon.
Gaganapin naman ang paghaharap ni Eala at Swiatek dakong alas-7 ng umaga ngayong Marso 26.