-- Advertisements --

Nagtapos na ang kampanya ni Filipina tennis player Alex Eala sa 2021 French Open Girls Singles tournament sa Paris, France.

Ito ay matapos talunin siya ni Matilda Mutavdzic ng Great Britain sa score na 4-6, 7-6, 1-6.

Nakapasok si Eala bilang second seed matapos ang tagumpay nito sa International Tennis Federation (ITF) juniors na may ranking number 3 subalit tinalo siya ni Mutavdzic na nasa ranked number 19.

Hindi maganda pagsisimula ng 16-anyos na si Eala sa nasabing torneo kung saan sinamantala ito ni Mutavdzic.

Nakabangon ito sa pangalawang set subalit nanaig pa rin ang pambato ng Great Britain.