-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ni Pinay tennis star Alex Eala sa Madrid Open.

Ito ay matapos na talunin nito si Lesia Tsurenko ng Ukraine.

Nakuha ni Eala ang 2-6, 6-4, 6-4 na panalo laban sa world number 41 tennis player.

Ang nasabing panalo ay siyang malaking tagumpay kay Eala sa kaniyang career dahil sa mataas na ranking na kaniyang natalo.

Sa simula ay naging mabagal ang laro ng 18-anyos na si Eala laban sa 34-anyos na Ukrainian tennis player hanggang a makuha nito ang timpla ng laro at tuluyan siyang nagwagi.

Makakaharap naman niya ngayong araw si Sorana Cirstea ng Romania ng ranked number 30.