-- Advertisements --
Umangat pa ang world ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay nasa pang 138 na ito mula sa dating 147.
Ito na ang maituturing na maituturing na pinakamataas na ranking ng 19-anyos na si Eala.
Noong nakaraang taon ay mayroong itong best career high na 143 matapos ang tagumpay niya sa singles at doubles ng W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain.
Inilabas ng WTA ang ranking matapos ang bigo niyang pagsabak sa qualifying round ng Australian Open kung saan tinalo siya ni Jana Fett ng Croatia.