-- Advertisements --
Pumanaw ang itinuturing na icon sa teatro na si Carmen “Baby” Barredo sa edad 80.
Ayon sa anak nitong si Charlie na nagkaroon ng multiple organ failure ang ina at binawian ng buhay habang naka-confine sa St. Luke’s Hospital sa Taguig dakong 7:37 nitong gabi ng Linggo.
Si Barredo ay siyang co-founder ng Repertory Philippines kung saan nagsimula ang maraming mga artista noong dekada 70.
Naging training grounds kasi ang Repertory Philippines ng mga local at international theater artists sa loob ng limang dekada.
Nag-aral si Barredo ng voice lesson sa ilalim nina Fides Asencio at Ines Zialcita habang sa musika naman ay kay Lucresia Kasilag at drama naman kay Daisy Avellana.