-- Advertisements --
Jaja Santiago
Jaja Santiago/ IG post

Hindi na makakasama sa Philippine women’s volleyball team na sasabak sa Southeast Asian Games ang sikat na volleyball player ng bansa na si Jaja Santiago.

Ito ay dahil sa commitment nito sa Japanese club team na Ageo Medics sa V.Premier League.

Tiniyak ng 6-foot-5 player na si Santiago ang buong suporta sa national team.

Bukod kay Santiago ay hindi rin makakasama sina Jema Galanza at Celine Doming na papalitan na lamang nina Maddie Madayag, Jovelyn Gonzaga at Roselyn Doria.