-- Advertisements --

Nakakuha ng tatlong medalya si Filipina weightlifter Elreen Ando sa katatapo na 2021 Asian Weightlifting Championships.

Nagtapos rin ito sa pangalawang puwesto sa women’s 64 kg. division sa torneo na ginanap sa Uzbekistan.

Mayroong kabuuang 213 kgs ang kaniyang kabuuang bigat para makuha ang silver medal.

Nanguna naman sa torneo si Wen-Huei Chen ng Chinese Taipei na mayroon kabuuang bigat na nabuhat na 228 kgs.

Bukod pa dito ay mayroong silver medal din itong nakuha sa clean & jerk 119 kgs at bronze medal naman ang nakuha nito matapos makapagrehistro ng 94 kgs..