-- Advertisements --
Nagkamit ng bronze medal si Pinay weightlifter Elreen Ando sa 64 kgs. division ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Matagumpay nitong naisagawa ang clean and jerk sa bigat na 117kgs., 122 kgs, at 126 kgs.
Mayroong kabuuang 222kgs ang kaniyang nabuhat habang si Rim Unsim ng North Korea ay nakamit nito ang gold medal.
Nakakuha naman ng silver medals si Pei Xinyi ng China na mayroong kabuuang 234 kgs. ang nabuhat.
Si Ando lamang ang unang nakakuha ng medalya sa weightlifting ng bansa matapos na mabigo si Hidilyn Diaz na nagtapos sa ikaapat na puwesto lamang.