-- Advertisements --

Humakot ng tatlong gintong medalya si Vanessa Sarno sa Asian Youth weightlifting and Junior Championship.

Ang panalo ng 19-anyos na si Sarno ay naganap matapos ang apat na araw ng ito ay dinapuan ng trangkaso sa kasagsagan ng kumpetisyon sa New Delhi, India.

Sinabi nito na ayaw niyang mapalampas ang nasabing pagkakataon kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya para makuha ang 71 kgs. events.

Si Saro ay kasalukuyang Southeast Asian Games record-holder at 2020 Asian champion mula sa Tagbilaran City, Bohol.