-- Advertisements --
Nakakuha ng tatlong gintong medalya si Filipina weightlifter Vanessa Sarno sa ginanap na International Weightlifting Federation Online Youth Cup.
Nakuha nito ang nasabing medalya sa 71 kg. category.
Ayon sa Bohol native na hindi niya inaasahan na makakuha ng gold medal dahil ang akala niya ay hanggang silver medal pa lamang ito.
Ito na ang pinakamalaking panalo na nakamit ni Sarno sa kaniyang weightlifting career.
Dagdag pa ng 17-anyos na si Sarno na susunod niyang salihan ay ang ASEAN Youth Cup 2021.