Nadagdagan pa ang mga atleta ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.
Pinakahuling nakapasok ay si Vanessa Sarno matapos na magtagumpay sa IWF World Cup sa Phuket, Thailand.
Ang 20-anyos ay naging matagumpay sa women’s 71kg event.
Nagtala rin ito ng record ng mabuhat niya ang 100 kgs. sa snatch category kung saan nahigitan niya ang nagawa niyang record na 108 kgs. noong nakaraang taon.
Nanguna rin ang two-time SEA Games gold medalist sa 135kgs. clean and jerk para makuha ang kabuuang 245 kgs. at magtapos sa 25-man field.
Nanguna naman ang pambato ng US na si Olivia Reeves sa World Cup event na mayroong kabuuang 268 kgs. na sinundan n Guifang Liao ng China, Kuk Hiyang Song ng North Korea sa ikatlong puwesto at Wen-Huei Cheng ng Chinese Taipei sa ikaapat na puwesto.
Makakasama na ni Sarno ang ilang mga atleta ng bansa na sasabak sa Olympics na kinabibilangan nina: weightlifters John Ceniza, Elreen Ando, at Rosegie Diaz ganun din sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Eumir Marcial, Aira Villegas, at Nesthy Petecio.