ROXAS CITY – Na-rescue na ang overseas Filipino worker (OFW) na taga-Kuwait na pinagmalupitan ng dalawang employers sa Kuwait.
Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Embassy sa Kuwait si Jinky Gardose, tubong Tapaz, Capiz matapos tulungan ito ng kanyang agency na Overseas Workers Employment Resources o POWER na makaalis sa bahay ng amo.
Sa video post ng Pinay worker, hindi matapos-tapos ang pasasalamat nito sa mga tumulong para ito ay makaalis sa bahay malulupit na employer.
Ipinaabot rin nito sa kanyang magulang at pamilya sa Pilipinas na ligtas ito ngayon sa Philippine Embassy.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Marivic Gardose, kapatid ng Pinay OFW, sinabi nito na labis-labis ang kanilang pasasalamat dahil nailigtas sa kapahanakan ang kapatid na matagal nang nagtitiis sa malupit na mga amo.
Ayon kay Marivic na binilhan na ng bagong maleta ang kapatid at may plane ticket na rin ito.
Isasailalim rin sa medical examination ang biktima dahil hindi lamang sampal, suntok ang inabot ni Jinky sa malulupit na employers kundi sinabuyan rin ito ng mainit na tubig.