-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos tumalon sa ikaanim na palapag ng Mei Foo San Chuen apartment sa Hong Kong.

Ang biktima ay kinilalang si ZRM, 31, tubong Brgy. Natividad, Tibiao, Antique at apat na taon nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong.

Sa ulat sa Bombo Radyo Iloilo ni Bombo International Correspondent Merly Bunda direkta sa Hong Kong, sinabi nito na dumanas umano ng depression ang biktima.

Ayon kay Bunda, lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Hong Kong police na nagkaroon ng problema ang biktima sa kanyang karelasyon.

Ani Bunda, tinangka pa ng tiyahin ng biktima na pigilan ito sa pagtalon sa apartment ngunit hindi na niya ito nasalba.

Napag-alaman na nagtamo ng malalang sugat ang biktima matapos malaglag sa isang construction site.