-- Advertisements --

Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang umano’y panibagong kaso ng pamamaslang sa isang overseas Filipino worker sa Kuwait.

Bago ito, ibinunyag ng DFA na isang OFW ang pinatay ng asawa ng kanyang employer sa nasabing bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na tahasan itong paglabag sa kasunduang nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at Kuwait noong 2018 para sa kapakanan ng mga Pinoy workers.

“The continuing incidents of violence and abuse of Filipino domestic workers in Kuwait violates the spirit of the agreement signed in May 2018 that seeks to promote and protect their welfare,” saad sa pahayag.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DFA sa mga otoridad sa Kuwait upang matiyak na makakamit ng biktima ang hustisya.

Ipinapa-summon na rin ng ahensya ang Kuwaiti Ambassador in Manila upang iparating ang galit ng pamahalaan ukol sa mistulang kakulangan ng proteksyon ng mga OFW sa kamay ng kanilang mga employers.