CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinahagi ng isang pinay household helper sa Hongkong ang report na may isang pinay mula sa tatlo pang Chinese National na nakonfine sa ospital matapos napaghinalaang may sintomas sa Wuhan corona virus.
Inamin ni Bombo International Correspondent to Hongkong Melanie Tabangco na nanginginig sila nang makumpirma ang report sa isang TV news network na kasama ang isang Pinay sa tatlo pang Chinese national na na-confine dahil pinagdudahang may sintomas sa Wuhan Corona Virus noong Sabado.
Laking tuwa naman nito nang marinig ang balitang stable na ang kondisyon ng PINAY OFW sa noong araw ng lunes dahil nakaranas lang daw ito ng simpleng flu.
Sa ngayon, inamin ni Tabangco nga stricto ang kanilang amo kung pag-uusapan ang kalinisan sa kanilang bahay.
Ibinawal muna sa kanila ang lumabas.
At kung lalabas man ito sa kanilang day-off, kailangan suotin nito ang facemask, at dapat balot na balot ang kanila isusuot.
Pinag-aalcohol din sila oras na makapasok sa bahay at kailangan munang maligo bago humawak sa gamit pangbahay.