-- Advertisements --

Inaasahan umano ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na maglalabas na ng resolusyon ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP na nagpapasibak sa mga opisyal at ilang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na nakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Mayor Rolando Espinosa, Sr.

Ginawa ng senador ang pahayag bilang kasagutan sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Frank Drilon kung ano na ang mga pangako na timeline ng IAS.

Ang pag-interpellate kay Lacson ni Drilon ay kasunod ng kanyang sponsorship sa Senado kagabi sa committee report sa isyu sa pagpatay sa alkalde habang nakakulong sa Baybay Sub-Provincial Jail noong madaling araw ng November 5, 2016.

Ayon kay Lacson, una na umanong nangako sa kanila ang PNP-IAS na tatapusin nila ang administrative case hanggang March 31, 2017.

Para kay Lacson dapat nang i-dismiss si P/Col. Supt. Marvin Wynn Marcos at mga tauhan ng CIDG Region 8 na kasama sa operasyon.

“It is a foregone conclusion that the resolution would be such that the uniformed or PNP personnel concerned should be guilty of grave misconduct and should be dismissed from the service,” ani Sen. Lacson.

Batay nga sa naunang rekomendasyon ng komite ni Lacson, nakagawa umano ng kasong “grave abuse” ang grupo ni Supt. Marcos dahil sa “premeditated murder” daw ang ginawa kay Mayor Espinosa.

Kabilang umano sa dahilan sa pagpatay sa mayor ay para mapatahimik at pagtakpan ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis bilang protektor ng iligal na droga.

“The death of Mayor Espinosa was a result of a legitimate police operation or a case of premeditated murder, we are convinced that the circumstances of this case clearly present a systematic “clean up” made on any living trace that may reveal the involvement of several CIDG operatives in Kerwin Espinosa’s drug trade. After all, in the words of Benjamin Franklin, “Three can keep a secret if two of them are dead.”

“After a thorough consideration of all the testimonies and documents submitted, let me tell you and everyone closely following this case, hindi po nanlaban si Mayor Espinosa,” bahagi pa ng speech ni Sen. Lacson sa plenaryo ng Senado. “Mr. President, Mayor Espinosa, in his possible willingness to cooperate and provide information on the personalities involved in his son’s drug trade, was silenced by individuals who wanted their participation concealed.”