-- Advertisements --
Pangungunahan nina Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Pinol at Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagbibigay tulong sa mga mangingisda na binangga ng mga Chinese fishing vessel.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ito ang napagkasunduan sa isinagawang joint meeting ng Economic Development and Security, Justice and Peace clusters.
Pag-aaralang mabuti ng dalawang kalihim ang kalagayan ng mga mangingisda para alam nila ang tulong na kanilang ibibigay.
Nauna ng pinulong nina Pinol at Cusi ang mga mangingisdang sangkot.