-- Advertisements --

zz
Zack Tabudlo (Photo by MCA Music)

Itatampok ang kantang “Iyong-iyo” ng Pinoy alternative RNB artist na si Zack Tabudlo sa Thai Netflix Series na “Let’s Fight Ghost”.

Ito nga ay adaptation mula sa isang Thai song na pinamagatang “Love Until It Last”.

IYONG IYO 1

Sa una ng naging pahayag ng 18-year-old young singer sa Star FM Baguio, sinabi nitong grateful siya sa mga opportunities na dumadating sa kanya kahit bago pa lamang ito sa music industry.

Noong 2020 nga ay napabilang rin si Zack sa mga artist na nagtanghal sa Bangkok Music Festival.

“Crazy man, it’s crazy! I wouldn’t really see it even before and I’m just very thankful. It was one if the craziest experiences kasi that doesn’t really happen to me, even before, and it’s a new experience. I’m just thankful for everyone who did that,” pagbabahagi ni Zack.

Samantala, ang “Let’s Fight Ghost” nga ay nakatakdang ipalabas sa March 2021.