-- Advertisements --

Arestado ang isang 21 taong gulang na Pinoy sa Hawaii sa ikinasang statewide manhunt operation ng mga otoridad matapos na makapatay nang dahil sa ligaw na bala.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Korey Farinas na itinuturong nagpaputok umano ng baril sa kasagsagan ng kaguluhan sa isang drug store.

Dito na tinamaan ng bala ng baril ang 64 taong gulang na biktimang kinilalang si Andrew Quisquirin na kalauna’y ikinasawi nito.

Bago maaresto, ilang araw na nagtago mula sa mga otoridad si Farinas na ngayon ay nahaharap naman sa patong-patong na kasong may kaugnayan sa manslaughter, first-degree attempted murder, tatlong counts ng second-degree attempted muder, at firearms offenses.