-- Advertisements --
Magpapahinga muna ang mga Filipino athletes na nagsasanay sa US para sa 2021 Tokyo Olympics.
Ito ay dahil sa iniurong sa susunod na taon ang mga qualifying games para sa Olympics sa susunod na taon.
Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) head Philip Juico, kinabiiblangan nina pole-vaulter Natalie Uy, shot-putter William Morrison at sprinter-hurdler Eric Cray ay magpapahing mula sa pagsasanay.
Ang ng nabanggit kasi na atleta kasama ang sprinter na si Kristina Knott ay mga miyembro ng national atlethics team na nagkamit ng 11 gold medals sa katatapos na 13th Southeast Asian Games.
Ilan sa mga bilin ni Juico sa nasabing mga atleta ay ang pag-obserba ng health protocols laban sa COVID-19 at ang pagbabawal sa pagbiyahe.